Tiyanak: Ang totoong kwento
Ni: Jea Mae A. Duclayan
Bagong
salta kami ng aking kinakasama dito sa isang barangay sa La Union. Nagtanan
kami sa kadahilanang hindi tanggap n gaming mga magulang ang aming
pagmamahalan, kaya para makalayo sa kanila ay bumiyahe pa kami galing sa
Maynila papunta dito sa La Union, ngunit sa pag-aakala namin na tapos na ang
problema namin ay doon kami nagkakamali para bang isang napakaling pagkakamali
na napadpad pa kami sa lugar na ito.
“ito ang bahay na sinasabi kong titirahan
natin, ito ang pinakamura kaya ito na ang kinuha ko, kasama natin ang may-ari
ng bahay dahil mag-isa lang naman niya diyan.” tumango ako
sa tinuran ng aking kinakasama na si Tado, wala namang problema sa akin na
kasama ang may-ari sa bahay. Pinagmasdan ko ang bahay, kapansin-pansin ang
kalumaan nito dahil sa gawa ito sa kahoy kinilabutan ako ng hindi ko malaman
ang dahilan ngunit mas tumindig ang mga balahibo ko nang makapasok ako sa loob.
Bakit ganito? Bakit tila ang dilim at hindi man lamang buksan ang mga bintana.
“andyan na pala kayo” napalingon
kami pareho sa nagsalita sa aming likuran, matandang dalaga ito at nasa
singkwenta pataas ang edad.
“magandang umaga po manag Lusing… bati
sakanya ni Tado …siya po ang sinasabi
kong kinakasama ko si Tina”. Tumango ang matanda at tinuro sa amin ang
aming magiging kwarto ngunit bago iyon nagtapos ay tinuro niya ang isang silid
sa dulo ng pasilyo “huwag kayong papasok
diyan sa silid iyon” hindi na kami nagtanong dahil baka pribadong silid
iyon.
Nagpunta si
Tado sa bayan upang bumili supplies namin
dito sa bahay, nainip ako kaya nilibot ko muna ang buong bahay, bubuksan ko
sana ang isang bintana ngunit pinigilan ako ni Manag Lusing.
“huwag mong bubuksan iyan iha, magagalit ang
anak ko” napakunot ang nook o, may anak si manang? Ngunit akala ko ay
matandang dalaga ito? Magtatanong sana ako ngunit dumating na si Tado.
“hindi ka ba nagtataka na may anak si manang
Lusing?” minsang tanong ko ‘kay Tado ngunit gaya ng inaasahan ko ay
nabakas ko sa mukha niya ang pagtataka.
“May anak si manang? Hindi ba’t matandang
dalaga siya?”
“’yon ang sabi niya” pagkikibit
balikat ko. Hinayaan na lang namin at minabuting isipin na baka ampon niya
iyon.
Isang hating
gabi, nagising ako sa lakas ng iyak sa katabing silid namin, iyon ay ang silid
sa dulo ng pasilyo, hindi sana ako tatayo ngunit mas lumakas ang iyak, kung
bakit hindi nagigising si Tado? Ay dahil umiinom ito ng sleeping pills, mahirap kasi itong makatulog kaya ganoon.
Gabi-gabi
ay ganoon lagi ang nangyayari ngunit hindi namin ito pinapansin dahil sa anak marahil
ito ni manag Lusing at nagigising lang sa gitna ng gabi, minsan ay pakiramdam
ko rin parang may mga matang nagmamatyag sa amin habang natutulog.
Nahanap ko na lamang ang sarili kong nasa
labas na ng silid, dinikit ko ang aking tainga sa pintuan.
“hindi ako papayag
na mandamay ka ng mga inosenteng tao!” sino ang kinakausap ni
manang? Ang anak niya? Bakit may madadamay na ibang tao? Wala akong ibang
narinig na sagot kundi isang malakas na kalabog lamang ang narinig ko at isang
tili ni manang Lusing.
Hindi ako
makagalaw sa aking kinatatayuan, gusto kong tumakbo sa takot ngunit hindi
kumikilos ang aking mga paa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si
manang Lusing na pawis na pawis, takot na takot at gulat na gulat nang makita
niya ako.
“umalis na kayo? Nanganganib na ang buhay ninyo,
hindi ko na sana kayo tinaggap pa” nilingon niya ang likuran ko na
tila may hinahanap.
“nasaan ang iyong kinakasama?”
“natutulog po sa kwarto, bakit po ba anong
nangyayari?” nagulat si manang at dali-daling tinungo ang silid
namin.
Nagulat ako
sa aking nadatnan, ang walang kamalay-malay na si Tado ay inaatake ng isang
nilalang na parang bata ngunit kulubot ang mga balat nito na parang matanda,
may kalakihan ang mata at bibig. Isang tiyanak! Yan lamang ang naiisip ko!
“huwag‼!” pigil sakanya ni manang
Lusing, gusto ko din sumigaw ngunit takot na takot ako. Totoo ang mga tiyanak!
“huwag sila ang idamay mo… Ako nalang anak!… Ako
ang gusto mo hindi ba? Patawarin mo ako kung ipinalaglag kita, hindi ko ginusto
iyon ngunit kinakailangan dahil itatakwil ako ng mga magulang ko” nagsimula
nang umiyak at lumuhod si manag Lusing.
Unti-unting
lumapit ang tiyanak sakanya at nagiging maamo ito na parang isang tunay na
sanggol. Yinakap ito ni manang Lusing.
“patawad anak! Hindi ko ginusto! Nagsisisi na
ako!” patuloy parin ang pag-iyak nito, unti-unting hinaplos ng
nilalang ang mukha ni manang pakiwari’y napatawad na niya ito, hindi naglaon ay
naglaho na ito.
Tumakbo ako
kay Tado na ngayon ay naliligo sa kanyang sariling dugo, wala akong nagawa kundi
ang umiyak at humagulgol! Bago magumaga ay inilibing namin ang katawan ni Tado
sa may likod bahay dahil ayokong malaman ng lahat ang nangyari, binalikan din
ni Manang Lusing ang pinaglibingan ng fetus
at nagalay ng bulaklak at dasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento