Ang Mapangrason na si Tonton
Ni: Jea Mae Duclayan
Isang araw, tinawag ni Dondon tipaklong, si Tonton
langgam para magtrabaho ngunit tamad ito kaya lagi itong nagrarason, lagi
siyang napagbibigyan dahil ang alam nila ay totoo ang sinasabi niya, ngunit
isang araw nabuking siya, nawalan si Dondon ng tiwala sakanya at hindi na siya
pinaniwalaan.
Pagkatapos kumain almusal tinawag ni Dondon
ang kaibigan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sumakit tiyan ni Tonton,
hindi ito pinaniwalaan Dondon dahil ang alam nito ay nagrarason nanaman siya.
Natagalan bago niya mapagtanto na totoo ang sinasabi nito noong pawis na pawis na
ito at namumuti, sa awa na lamang sa kaibigan ay tinulungan na niya ito.
Doon napagtanto ni Tonton langgam na hindi
dapat siya nagrarason at mga katotohanan lamang ang dapat sinasabi dahil baka
sa kanyang ginagawa ay maaraing manganib ang kanyang sariling buhay o mawalan
ng tiwala ang kaniyang mga matatalik na kaibigan.